"Time is the ultimate truth teller," sey ng ilang netizens.

Dahil sa umano'y usap-usapang may 'relasyon' sinaJames Reid at Issa Pressman, binalikan ng mga netizen ang Facebook at Instagram post ni Yassi Pressman hinggil sa pagtatanggol nito sa kaniyang kapatid.

Nangyari ito kasunod ng tila 'soft launch' nina James at Issa sa kani-kanilang Instagram nang manood sila ng concert ni Harry Styles.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/03/17/issa-pressman-may-pa-soft-launch-kasama-si-james-reid-netizens-nanggigil/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang noong 2020, naging palaisipan na sa mga netizenna may “something” sa dalawa habang magkarelasyon pa ang aktor at si Nadine Lustre.

Kaya naman dinepensahan ni Yassi ang kaniyang kapatid sa mga nagsasabing "third party" ito kina James at Nadine noon.

"Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya," saad ni Yassi noong 2020 kalakip ang larawan nila ni Nadine.

"This was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then.... they started getting out of hand, at di na yun tama.

"Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media.

"They're not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information," sey pa ni Yassi sa post.

Binalikan ito ng mga netizen at inulan ito ng iba't ibang reaksyon.

"Ay hindi pala siya papatol eh. Anyare now?🙄"

"Andito ako ngayong 2023. Waiting sa update ni mareng Yassi HAHAHAHAHAHAHAHA"

"The design is very kunsintidor.🥲"

"Share your thoughts naman po as an ate"

"bandang huli kinain mo din sinabe mo hahahaha"

"Time is the ultimate truth teller"

"Supportive mo namang ate🥰"

"Yassi : "Its a praaaank"🤗🤣🤦🏻‍♂️"

"up ko lang ‘toYassi Pressman"

"na-gaslight mo kami te"

"Dpat siguro si nadine ang nagpost with issa.. baka mas believable. Anyways buhay nyo yan mga tsismosang abangers lang kami.. hahaha!!"

"Up natin tong statement ni besprend."

"Think before you click ba yassi? HAHAHAHAHAHA"

"^ Ayaw po namin sa kapatid na KONSITIDOR. 🥴"

"Talaga ba yassi? Pako explain po yung holding hands nila ng kapatid mo HAHAHAHAHAHHAA"

"kwento mo yan eh, syempre honest ka diyan"

"Up yassi san na paninindigan mo"

Samantala, wala pang pahayag sina James Reid, Issa Pressman, at Yassi Pressman hinggil sa isyu.