Pinagpiyestahan ngayon sa social media ang kumakalat na video meeting ng ilang mga kandidata ng MIQP matapos matapang na kinumpronta ng 2023 titleholder na si Lars si Anne Patricia dahil sa "consistent" na pagiging late umano nito sa mga rehearsal.

Makikita rin sa video ang pagresbak ng grand winner ng Miss Q&A Season 1 na si Juliana Parizcova Segovia kung saan inakusahan niyang binili ni Lars ang korona, kaya nanalo ito sa kompetisyon.

"Gag*, binili mo ang korona, tang-in* mo!," sigaw ng nasa likod ni Anne.

"Sino ang sumigaw na binili mo ang korona?," tanong ng isa pang kandidata.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ako," sagot naman ni Juliana Segovia.

Nilinaw naman ng Miss Q&A: Kween of the Multibeks at MIQPH 3rd runner-up na si Anne Patricia, na wala siyang pake kung totoong binili ang korona. Dagdag pa niya, lumaban siya nang patas sa kompetisyon.

Aniya, "Okay lang naman, ako wala akong pakialam sa bilihan ng korona eh, if it's that's your way para manalo, gawin mo na lang nang maayos ng wala kang tinatapakan na ibang tao. It's so wrong!"

Dagdag pa ni Anne, ang rason kung bakit lagi siyang late, dahil nawalan na umano siya ng gana matapos malaman ang balitang nabili na ang korona.

"Alam niya ba ang dahilan bakit ako late? Dahil nawalan na ako ng gana sa kompetisyon, it's just because may mga nakarating na sa akin diyan, pero hindi ko siya kinumpronta o hindi ako gumawa ng eksena. Tinapos ko nang maayos ang kompetisyon," paliwanag ni Anne.

Walang pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang MIQPH organization at si Lars Pacheco tungkol dito.