Mahigit₱50 milyon ang napanalunan ng isang 74-anyos na cancer survivor sa Lotto 6/42 na binola noong Pebrero 28, 2023, ayon sa pahayag ngPhilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)nitong Huwebes, Marso 16.

“Ako na yata ang pinaka-masuwerteng tao sa mundo dahil mahal ako ng Diyos,” saad ng lalaking cancer survivor.

"Napakatagal ko nang sumusubok sa lotto, simula 1998 ay tumataya na ako. Numero 'yan ng mga kaarawan at buwan ng kapanganakan namin pamilya. Iyang lumabas na numero ay isang taon ko nang inaalagaan," dagdag pa nito. 

Matagumpay na nahulaan ng 74-anyos ang winning combination na  26-14-11-08-07-22, at may kabuuang premyo na ₱50,796,013. 

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ibinahagi rin ng lotto winner na isa siya sa mga benepisyaryo ng ahensya sa pamamagitan ng medical assistance nito noong 2017. 

Samantala, wala namang tumama sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.