Labing-anim na pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal at Kanlaon sa nakaraang 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), siyam na volcanic tremor event na tumagal ng limang minuto ang naitala sa Taal.

Pitong pagyanig naman ang naramdaman sa Kanlaon Volcano na isinailalim pa rin sa Alert Level 1 status.

Sa monitoring ng Phivolcs, umabot sa 3, 037 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinubuga ng Taal Volcano kada araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagkaroon din ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Napansin din ng ahensya ang ibinugang puting usok na umabot sa 600 metrong taas at napadpad sa timog kanluran ng bulkan.

Bukod dito, nagkakaroon din ng ground deformation sa kalakhang Taal Caldera at Taal Volcano Island.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crate at Daang Kastila fissures, pamamalagi sa lawa ng Taal at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posible pagbuga ng ashfall at biglaang phreatic eruptions.

Hindi namang pinapayagang pumasok ang publiko saapat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone ng Bulkang Kanlaon dahil sa posibleng pagputok nito.