Inilabas ng Social Weather Station (SWS) nitong Huwebes, Marso 16, na tinatayang 69% ng mga Pinoy na hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19 ang hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpabakuna.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, lumabas din umanong 12% ng mga hindi pa nabakunahan ay nais nang magpabakuna, habang 19% ang undecided.

Ang nasabing mga porsyento ay kinuha sa 9.5 milyon o 13% ng populasyon sa bansa na hanggang ngayon ay hindi pa bakunado.

Ayon pa sa SWS, 62.6 milyon o 87% ng mga Pinoy na nasa tamang edad ang bakunado na laban sa COVID-19.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa mga nabakunahan, tinatayang 6% o 4.4 milyong Pinoy umano ang nakakuha ng first dose, 57% o 41.4 milyon ang may second dose o kumpletong bakuna.

Samantala, 17% o 12.4 million naman sa mga bakunado ang nakakuha na ng third dose o first booster, habang 6% o 4.3 milyon ng mga Pinoy ang nakakuha na ng fourth dose o second booster.

Ang nasabing survey ng SWS ay may sampling error margin na ±2.8%.