Ipinahayag ni Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman nitong Miyerkules, Marso 15, na napapanahong gawing prayoridad na ng Senado na pagdiskusyunan ang Sexual Orientation, Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill matapos ihain kamakailan ni Senador Raffy Tulfo ang "Pants for Her Act".

"It is timely for the Senate to prioritize the discussion on the [SOGIE] Equality Bill, which should have long been a law and implemented," pahayag ni Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality at unang transgender woman na naitalaga sa Kamara ng bansa.

Matatandaang sa inihaing Senate Bill No. 1986 o ang 'Pants for Her Act' ni Tulfo, binibigyan ang mga babaeng estudyante ng "option" na magsuot ng pants para maitaguyod umano ang “gender-neutral uniforms” sa mga paaralan at maiwasan ang diskriminasyon sa mga estudyanteng babae.

BASAHIN: Tulfo, nais gawing ‘option’ para sa mga babaeng estudyante ang pagsusuot ng ‘pants’

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon kay Roman, bagama't tunay na magiging proteksyon ng mga estudyante ang pagsusot ng pants laban sa pang-aabuso, wala na umanong makatatalo sa proteksyong maipagkakaloob ng SOGIE.

"The SOGIE Bill is a clear protection for women against discrimination and harassment not only in schools but also in their workplaces and other public places," ani Roman.

"I encourage my fellow lawmakers to take action on this because no one should be harassed because of their choice of clothing," dagdag niya.

Layong protektahan umano ng SOGIE Bill ang bawat indibidwal laban sa diskriminasyong nakabase sa kanilang "sexual orientation, gender identity, and expression".

Pending pa rin ang nasabing panukalang batas sa committee level ng Senado.