Aminado ang Kapuso actor na si Paolo Contis na marami siyang mga pagkakamali at maling desisyon sa buhay, kaya naman hindi raw niya naiwasang mag-reflect o magnilay-nilay nitong 39th birthday niya, Marso 14.

Ayon sa isang ulat, sinabi ni Paolo sa isang panayam na tahimik lamang siyang nagdiwang ng kaarawan, nakaupo at naglista ng kaniyang mga pagkakamali sa buhay; bukod dito, naglista rin siya ng mga hakbang o paraan kung paano niya maitatama o maitutuwid ito.

"No'ng birthday ko, buong araw tahimik ako. Nakaupo lang ako."

"Alam ko lahat ng naging mali ko. Alam ko kung anong dapat kong gawin para itama ‘yon. So, I think that’s a start,” aniya sa panayam.

Paolo Contis, aminadong sumasablay sa sustento sa mga anak: 'But I'm saving for them!'

Hindi naman tinukoy ng aktor kung ano bang mga espesipikong pagkakamali sa buhay ang inilista't pinagbulayan niya. Wala aniyang kinalaman ang madlang pipol sa mga pagbabagong magaganap sa kaniyang buhay kaya useless kung iisa-isahin pa niya't ipupukol lamang ulit sa kaniya.

Matatandaang lumikha ng malaking ingay ang paghihiwalay nila ng partner na si LJ Reyes at kamakailan lamang ay pag-amin na sa tunay na relasyon nila ni Yen Santos, hindi na lamang "as a friend."