Isa na namang 'Kadiwa ng Pangulo' o KNP ang binuksan ng gobyerno sa Camarines Sur nitong Huwebes.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang paglulunsad ng KNP sa Pili, Camarines Sur, kasama si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Itinampok sa pagbubukas ng KNP ang mga produkto at obra mula Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa rehiyon. Layunin ng naturang hakbang na maghatid ng abot-kaya at de-kalidad na mga bilihin sa publiko.

Binibigyan din nitong kumita ang mga magsasaka, mangingisda at micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng direktang pagbebenta sa mga mamimili.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bukod sa Office of the President (OP) at DSWD, tumulong din sa programa ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at National Food Authority (NFA).