Hindi pa raw handang magseryoso si Xian Gaza sa isang babae, ayon sa kaniyang interview sa vlog ni Lai Austria.

Inupload ni Lai nitong Miyerkules, Marso 15, ang naturang vlog sa kaniyang YouTube channel kung saan mapapanood ang pakikipag-kulitan niya kay Xian habang sila ay nasa Hong Kong.

Bahagi ng vlog, tinanong ni Lai kung gusto raw ba ni Xian na magseryoso sa isang babae.

"Sa ngayon hindi pa," direktang sagot ni Xian. "Pero sabi nga ng mga matatanda na nakakausap ko na darating din daw ako sa time na gugustuhin kong mag-settle down pero huwag ko raw pilitin."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sey pa ni Xian, honest naman daw siya sa mga babaeng nakikilala niya sa iba't ibang bansa. 

"Honest ako sa lahat. For example, may nameet ako sa China, alam niya na marami akong bebe girls. Kasi naranasan ko na yung karma sa buhay, naranasan ko na yung karma sa babae. So from there sabi ko, ang sikreto lang pala talaga maging ay transparent, maging honest," lahad ng online personality.

"Kahit magalit sa'yo yung ibang tao?" tanong naman ni Lai.

"Wala naman silang bilang sa buhay ko eh. Kumbaga kahit anong hate at bash nila sa akin, wala naman magiging epekto yun sa buhay ko," sagot naman ni Xian. 

Bukod dito, hindi naman itinatago ni Xian na may dalawa na siyang panganay. Katunayan, ibinahagi niya rin na maganda ang kaniyang relasyon sa mga anak.