Napa-wow ang mga netizen sa mga litrato ni "Kurdapya" star Yassi Pressman matapos niyang i-flex ang kaniyang kaseksihan sa Instagram account nitong Miyerkules, Marso 15.

'Swimsuit in orange" ang peg ni Yassi na kauna-unahang beses na sasabak sa isang sitcom sa TV-5.

Inanyayahan naman niya ang fans at followers na suportahan ang bagong show tuwing Sabado, 6:00 ng gabi.

"Imagine if there was 2 of me ??,": ani Yassi.

"Taking a break from being twins but you can catch both of me on Saturday, 6pm on TV5 ~ our sitcom’s gonna make you laugh out loud and it’s called #KURDAPYA."

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sey ng mga netizen, ibang klase ang taglay na kaseksihan ni Yassi. Isang netizen pa ang nagsabing nakaka-amaze ang kariktan ng aktres na maihahalintulad sa mga sinaunang estatwa sa imperyong Griyego o Gresya (Greece).

"Yung kasexyhan ni Yassy di talaga nakakaakit. Nakaka-amaze. Para siyang istatwa mula sa panahon ng mga Emperyo ng Griyego," anang netizen.

May mga pabiro pang nagsabing super hot sa tag-init ni Yassi at ano raw ba ang nangyari kay "Alyanna Dalisay," ang kaniyang yumaong karakter sa action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano" na misis ni Cardo Dalisay na ginampanan naman ni Coco Martin.