Nagdadalamhati ang Kapamilya singer na si Jona matapos mamatayan ng dalawang pets sa loob lamang ng apat na araw, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Marso 15.

Kilala si Jona bilang pet lover at animal rescuer ng stray cats at dogs kaya naman masakit sa dibdib ang pagkamatay ng kaniyang mga alaga.

Isang pet dog at isang pet cat ang namaalam na sa kanilang fur parent.

"In a span of 4 days we lost 2 pets.. Garvy who's been with us for 8-9yrs, (we named him Garvy kasi nakita siya sa basurahan noong puppy pa siya), and Susie the cat that has literally no voice when we found her (can't remember why we named her Susie ? Basta when we saw her pre-pandemic pa wala na rin siyang buntot, tinaga at binuhusan pa yata siya ng mainit na tubig.)"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"We actually lost many pets/rescues already, but the feeling is still the same… di naman nababawasan sakit sa puso… Akala mo masasanay ka na pero hindi."

"The only thing that's comforting our hearts is at least tapos na yung paghihirap at sakit nila dito… and they're in a much better place now…"

"We will miss you Garvy, Susie, Phil, Borlog, Charlie, Kelly, Mami, Baby Girl, Poly, Bumble Bear, Karmencito, Bruno, Titan, Trina, and all our pets who already crossed the rainbow bridge."

Hindi na idinetalye pa ni Jona kung ano ang ikinamatay nina Garvy at Susie.

Run free, babies!