Tila naging kasing lalim nga ng pagmamahalan ng magkasintahan mula sa Metro Manila na sina Patrick Valdez, 30, at Princess Andres, 29, ang kanilang naging prenup pictorial dahil sa ginanap talaga ito under the sea!

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Patrick na naisip nilang mag-photoshoot sa ilalim mismo ng dagat sa Panglao, Bohol, dahil sa pitong taong pagiging magkasintahan nila ni Princess, isa raw sa mga naging paborito nilang bonding ay ang freediving.

"Hobby talaga namin ang freediving at nag-eenjoy kaming gawin ito nang magkasama," ani Patrick. "'Yung passion namin para sa dagat at marine life ang nagudyok sa'min para gawin itong tema na ito."

Ginanap umano ang nasabing prenup photoshoot noong Enero 21 hanggang 23.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Dahil sa hindi raw madali ang manatili nang matagal sa ilalim ng dagat, talagang nag-training ang dalawa upang maging matagumpay ang kanilang photoshoot.

"Since June 2022, nag-training na kami for freediving para maging komportable kami sa ilalim para sa mga poses," saad ni Patrick.

"Nakakapagod siya kasi ang lakas ng current at alon noong time na nagshu-shoot kami, pero overall, masaya kasi alam namin na maganda ang kalalabasan," dagdag niya.

Matapos ang matagumpay na pictorial, gaganapin daw ang kanilang church wedding sa darating Abril 22.

Best wishes, Patrick at Princess!

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!