Ibinida ng aktres na si Elisse Joson ang kaniyang shoulder-length hair sa Instagram account na pinusuan naman ng netizens at followers niya.

Bagay raw sa hot momma na partner ni McCoy De Leon ang pantay-balikat na buhok nito.

Pero bukod sa buhok, may ibang napansin ang netizens sa kaniyang mukha.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

It's either nadaan lang sa make-up o sumailalim ang mukha sa enhancement. Parang hawig na raw siya ngayon ni Sarah Lahbati na partner ni Richard Gutierrez.

"Anong nangyari gurl!!!????"

"Mas maganda Siya dati para sken lang ah…"

"nasobrahan na ksi siya sa contour ng face at sa lip filler. Yung mukha nya prang lubog na tpos humaba"

"Agree! Iba na tlga face niya ngayon. Same sa face din ni Sofia Andres. Like ko din dati nilang mukha."

"Sa truth lang parang naiba face niya.

Isang netizen naman ang nagkomento ng ganito, "Bat kaya ang babae pag niloloko, mas lalong gumaganda."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Elisse tungkol sa mga komento ng netizens sa kaniyang fez. Pero in fairness, bagay naman sa kaniya at mas lalo siyang gumanda!