Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa Mahal na Araw.

“Dahil nasa peak season tayo ngayon ng fishing activity, we expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

Aniya, hindi magkakaroon ng malawakang kakulangan sa suplay nito sa kabila ng oil spill incident kamakailan sa Oriental Mindoro na kumalat na rin sa mga kalapit na probinsya.

Ipinagbabawal pa rin aniyang mangisda sa mga bayang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro dahil sa posibleng water toxification.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Karamihan aniya ng mga residente sa mga tinukoy na lugar ay apektado dahil nabubuhay lamang sila sa pangingisda.

Dahil dito aniya, gumagawa pa rin sila ng paraan upang matulungan ang mga mangingisda sa mga naturang lugar.