Usap-usapan ngayon ang pinakawalang cryptic tweets ng radio DJ-TV host-character actor na si "DJ Jhaiho" tungkol sa loyalty.

Wala siyang pinangalanan o clue kung kanino niya pinatutungkulan ang naturang tweets subalit nakatitiyak ang mga netizen na para ito sa kung sinuman sa industriya ng showbiz.

"Bato bato sa langit. tamaan wag magalit. 'Lack of loyalty is one of the major causes of failure in every walk of life,'" tweet niya nitong Marso 15 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1635945940187250689

Sa isa pang tweet, sinabi ni DJ Jhaiho na masyadong mataas ang tingin sa sarili ng tinutukoy niya.

"Baka kaya di ka maka alagwa sa career mo kasi onting liwanag palang ang taas ng tingin mo na sa self mo? Tapik for you. para sa ikakabuti mo din ito."

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1635946313987813376

Clueless ang mga netizen kung sinong "tinatapik" ni DJ Jhaiho subalit may mga netizen na nagbigay ng letrang "M" na inisyal ng isang bagitong aktor na nainlababu nang maaga.

Sinetch itey nga ba ito, DJ Jhaiho?