Hinangaan ng netizens ang isang 73-anyos na lola, matapos ang hataw na pagsayaw nito sa kantang Giling-Giling ni Willie Revillame sa kaniyang TikTok account.

Sa video na inupload ni Glenda Sardido Dandan, makikitang laban na laban si "Lola Gets" sa paghataw at pag-giling.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Lola Gets, inamin nito na bata pa lamang siya ay hilig at talento na niya ang pagsayaw sa entablado. Dagdag pa niya, sumali siya sa Women's League at nanalong "Star of the Night."

Nagtrabaho umano si Lola Gets bilang cultural dancer at fire dancer sa Kyoto, Tokyo, Osaka ug Yokohama, Japan, taong 1982.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kuwento naman ng uploader na si Glenda, 20 taon ng nanilbihan bilang katulong si Lola Gets sa kanila kaya inisip na rin niya itong parte ng kanilang pamilya.

Dagdag pa niya, hiling ni Lola Gets na makita at makasamang sumayaw ang TV-host na si Willie Revillame.

Si Erlinda Swalog Baiting o mas kilala sa TikTok na "Lola Gets" ay may 55.9k followers at umabot na sa 3 million views ang kaniyang viral TikTok video.