Usap-usapan ngayon ang viral video ni "Maegan Aguilar" habang kumakanta sa videoke ng awiting "Anak" na pinasikat ng kaniyang amang si Ka Freddie Aguilar.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng uploader na si "Mariz Mattila" noong Marso 5, at hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan lalo't balitang-balita pa rin ang hidwaan nila ng kaniyang ama.

"Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa," saad sa caption ng Facebook post.

Mga kapamilya at kaanak, bawal lapitan o hawakan bangkay ni Maegan Aguilar

Marami naman sa mga netizen ang umaasam na sana raw, mapanood at mapakinggan nila ang mag-ama na magkasama nang nagpe-perform, hudyat na nagkaayos na sila.

Matatandaang sinabi ni Maegan na pinagbabawalan niyang lumapit o mahawakan man lamang ng kaniyang mga magulang at kaanak ang kaniyang bangkay kapag siya ay yumao na.

Kamakailan naman ay pinag-usapan din ang muling pag-awit ni Freddie ng "Anak" at nanawagan ang mga netizen na sana raw, magkaayos na ang mag-ama.