Nag-sorry ang talent manager na si Ogie Diaz kay Liza Soberano.

Ito'y ilang oras bago umere ang part 2 ng interview ng aktres noong Lunes sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan napag-usapan ang tungkol sa kanila ng kaniyang dating manager na si Ogie.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/13/liza-may-tampo-kay-ogie-diaz-it-feels-like-hes-trying-to-ruin-me/

“Sorry anak kung in anyway na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita. Kasi wala akong matandaan na kinontra kita. Sinasabi ko lang kung ano ang sa alam ko ang totoo," saad ni Ogie sa kaniyang " data-type="URL" data-id="">"Showbiz Update" noong Lunes, Marso 13.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa niya, "Basta ako anak, hindi ako na-offend. Mas nalulungkot ako kaysa nao-offend ako. Nalulungkot ako kung bakit kailangan mangyari ito. Kung bakit kailangan ihayag mo ang damdamin mo. Kailangan ko rin naman ihayag ang damdamin ko sa issue kasi napararatangan din ako. Pero kung na-offend ka anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya iyon kung 'di gusto ko lamang sabihin kung ano naman ang panig ko, lalo na at nandoon tayo sa point na pareho tayong jinu-judge ng mga tao.”

Samantala, sa &t=1056s" data-type="URL" data-id="&t=1056s">latest vlog niya na umere naman nitong Miyerkules, Marso 15, nagbigay ng mensahe ang talent manager sa kaniyang dating alaga na patuloy pa rin niyang tinatawag na anak.

"Unang-una sana lahat ng palabas namin dito, mga nakaraan [ay] napapanood mo at kung paano namin siya ideliver para mas maramdaman mo na sincere kami sa sinasabi namin na mahal kita, ako yung nagmamalasakit sayo, ako naman ang lagi kong hiling sana mas sumikat ka kung saan mo man gusto. Mas sumikat ka sa piniling mong management, career path. Mas lagpasan mo kung ano yung nagawa namin, ng Star Magic, ng ABS-CBN, at ng Star Cinema," saad ni Ogie.

"Pero huwag mong kakalimutan nandito lang naman ako. Open ang aking communication lines, anak. Kung kinukwestiyon mo yung pagtawag ko sayo ng anak, basta para sa akin ikaw ang panganay kong anak. At lagi mong tatandaan nandito lang ako kapag kailangan mo ako.

"Basta lagi kang mag-iingat at lagi mong ipagtatanong lahat ng decisions mo sa mga taong alam mong nagmamalasakit sayo dahil definitely sila yung makakapagpayo sayo na kung tama o mali ang iyong mga gagawin, kasi mahal ka nila at mahal kita anak."

Sana rin daw ay mapanood ni Liza ang mga vlog niya at huwag daw sanang makinig sa mga umano'y sumusulsol sa kaniya, at huwag din maniwala sa mga umano'y fake news.