Nakapanayam ng press ang singer na si Jason Hernandez, estranged husband ni Kapamilya singer at tinaguriang "Queen of Hugot Songs" na si Moira Dela Torre, sa media launch ng "The Write One," ang kauna-unahang seryeng collaboration ng GMA Network at Viu Philippines na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Si Jason kasi ang sumulat at kumanta ng theme song nito na "Oras."

Ayon sa ulat ng PEP, nakorner at nauntag si Jason kung kumusta na nga ba siya matapos ang hiwalayan nila ni Moira. Aniya, namalagi siya sa El Nido, Palawan at nagpahinga. Tahimik daw ang buhay roon kaya somehow, naiintindihan na niya ang aktor na si John Lloyd Cruz kung bakit ito namalagi sa naturang bayan matapos ang matagal-tagal na hiatus sa showbiz.

Masasabi raw ni Jason na sa tulong ng payapang kapaligiran at pagkakaroon ng iilang kaibigan sa El Nido, naka-move on na siya emotionally.

National

Alice Guo, muling haharap sa Senado sa Martes

"Ngayon, alam ko na 'yong importante sa buhay. Just friends, family, 'di ba? It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya (Moira)," sey daw ni Jason.

“I think emotionally, I’m okay na, eh. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends," dagdag pa.

Nausisa rin ang singer-songwriter kung ano ang mga reaksyon niya sa mga minsang "pahugot" ni Moira na obviously, dahil alam naman ng lahat ang nangyari sa kanila, siya ang unang-unang maiisip na puwedeng patungkulan nito. Medyo naging makahulugan ang mga naging tugon ni Jason.

“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it. May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Gano'n kasi ako, eh. Never n'yo maririnig na gaganti ako."

Ipinagpapasa-Diyos na lamang daw ni Jason ang lahat.

"Naniniwala kasi na si God na bahala sa kaniya. Siya na 'yong mag-aano. I really don’t need to defend…”

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Moira tungkol dito.