Ika nga ng uploader, kayang-kaya niya kumain sa sikat na fast food chain, pero ang umorder nang may kayakap? ‘Yun ang ‘di natin sure!

Laugh trip na hugutan at kuwelang hirit ang inani ng ngayo’y viral post ni Brian Simbulan Velilia matapos ibahagi ang larawan ng tila magkasintahan sa isang kilalang fast food restaurant.

“Yung kumain sa Mcdo afford ko pa, pero yung umorder n[an]g may kayakap hindi na(#),” hugot na hugot niyang caption.

Dagdag niyang hirit sa sariling post: “By partner pala pag order sa kiosk, kaya pinapila ako sa counter!🥺

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

As usual, kanya-kaniya ring gatong ang maraming netizens sa viral post.

“Masakit na nga sa bulsa, masakit pa sa mata,” banter ng isa pang netizen.

Kaniya-kaniya ring tag ang marami para lalo pang ika-relate ang post na sa kasalukuyan ay tumabo na sa mahigit 15,000 reactions at 33,000 shares.

Pagbabahagi ni Brian sa Balita, hindi niya inaaasahan na magba-viral ang kaniyang post.

Sa isang branch sa Maynila nakunan niya ang hindi nakilalang magkasintahan.

Aniya pa, agaw-pansin kasi noon ang dalawa na sweet na sweet habang umoorder sa kiosk ng kainan.

"Kung sino man yung magjowa na yan, wag po sana kayo magagalit sakin. Ininggit nyo naman ako eh, 🤣" pilyo niyang mensahe sa ipinagpalagay na magpartner.

Kaya ang tugon naman ng marami, “Sana all!”