Lubos na lamang ang kilig ng Filipino-singer-songwriter na si Zack Tabudlo nang malaman nitong naki-jam ang Korean pop artist na si Jungkook ng BTS sa kantanitong “Give Me Your Forever.”

"So i jwu (just woke up) and apparently i was blowing up on social media because…. THE JUNGKOOK. THE GOLDEN MAKNAE. JUST LISTENED TO GIVE ME YOUR FOREVER," ani Tabudlo sa kaniyang social media accounts na halatang hindi maitago ang pagkakilig.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/zacktabudlo/status/1635641515853639681?s=20

Ang kalakip na video sa repost ni Tabudlo ay ang video na kung saan nakinig si Jungkook ng nasabing kanta ng 'Pinoy singer matapos i-request ito ng isang fan.

Sinabi pa ng South Korean superstar na nagustuhan niya ang kanta at idinaragdag niya ito sa kaniyang playlist.

"I CAN NOW DIE IN PEACE HOLY SHT. he even said he added my song to his playlist," reaksyon naman ni Tabudlo.

Nagpasalamat din ang OPM singer sa Kpop fan na nagrequest ng kanta kay Jungkook.

Si Tabudlo ang singer sa likod ng OPM hitmaker songs na “Nangangamba,” “Binibini,” at “Habang Buhay.”

Sinimulan ni Tabudlo ang kanyang karera sa pag-awit bilang isang contestant sa unang season ng singing competition na “The Voice Kids” kung saan naging bahagi siya ng team ni Bamboo Mañalac.