Pumalag ang nagsisilbing road manager ni Liza Soberano na si "Joni Lyn Castillo" hinggil sa pagkuyog sa kaniya ng isang basher matapos mabanggit ng alaga sa panayam ni Boy Abunda na may 20% commission siyang nakukuha sa kita nito.

Si Joni, ay tita ni Liza. Matatandaang nailahad ni Liza ang breakdown ng komisyon sa kaniyang mga kinikita. 30% ay napupunta sa kaniyang talent manager na si Ogie Diaz, 20% sa nabanggit na RM, at 10% naman sa Star Magic ng ABS-CBN.

Liza, may rebelasyon tungkol sa isyung 'commission' na nakukuha ni Ogie Diaz

Sa kaniyang Instagram account ay kinuyog ng ilang netizens si Joni at kinukuwestyon ang naturang komisyon. Isang basher na may pagkahaba-habang post ang hindi niya pinalagpas.

"Give your love, time, care, and attention to them; they definitely won't tell you what they feel, but their actions will make you feel double what you gave them," sey ni Joni sa kaniyang Instagram post kalakip ang litrato ng kaniyang mga alagang aso.

Kumuda naman ang mga netizen dito at ipinagpalagay na "double meaning" at cryptic ang kaniyang IG post.

Narito ang buong IG post ng basher na kinomentuhan ni Joni: "Ms. Jonilyn, bakit po kumuha pa kayo ng kumisyon kay @lizasoberano sana po nagpasueldo nalang po kayo as RM & PA, hindi po yung may percentage ng salary ni Liza ang kumisyon. Tuloy daming ngawa ni Liza kay Tito Boy Abunda. Sinabi nyang fair because yun ang nasa contract pero sa mga dagdag na sabi nya e hindi naman fair tingin nya kaya nga nanghingi kayo ng bawas sa kumisyon ni Ogie Diaz. Dalawadalawa kayo ni Ogie + star magic nangumisyon. Then dahil di sumisipot sa tapings etc si Ogie, etc e ano po, wala ng cuenta si Ogie? E pano po yung mga nacclose na deals ni Ogie for Liza? Goodluck kung makaclose ng maraming deals for Liza ang careless nyang new management. Tito Ogie could have called me daw instead of going public. Nagreach out ba siya kay Ogie?Hindi.Sinundan ko yung mga vlogs ni Ogie wala naman pong masama sa sinabi nya at panay pa ang pagtanggol kay Liza against bashers until lumabas ang 2nd BA interview.Kinoconvince nya ang mga tao na wag masamain ang sinabi ni Liza at nageexplain ng side nya/ABS ng hindi iniinsinuate na may mali si Liza.Lahat po ng 'paninira' na tingin ni Liza ay ginawa sa kanya sa public ni Ogie, all in her mind. SiYA mismo ang sumira sa sarili nya. One thing na mali ni Ogie pinress release na nya na di na sya nangungumisyon kahit nakakakuha pa pala sya. Kelangan nyang explain yan. Sana po maging successful si Liza sa Hollywood kasi wala na po syang babalikang trono gaya ng iniwan nya. Kung anong taas ng pedestal ni Liza c/o old handlers, ang bilis naman ng bulusok paibaba dahil sa careless nyang new management. Come to think of it, hindi lang po careless ang gumawa nito. Ginusto din ito ni Liza. Ang tunay na grateful paglabas ng vlog na madaming nagreact for Ogie, SIYA na mismo bilang grateful ex talent ang kokontak sa ex handlers at magpapasintabi na sorry kung nakakaoffend pala,di ganun ang ibig kong sabihin. Inaantay pa nya so Ogie kumontak sa kanya. Mataas din ang ere. At kung meron pong nagkahon sa kanya, ang sisihin nya # 1 ay ang nanay at tatay nya naganak ba sila para may bumuhay sa kanila? Tuloy kinailangan magwork ni Liza ng bata pa sya. Pati kapatid ni Liza damay dahil naganak ng maaga. Pamilya nya ang kumahon sa kanya."

Buwelta ni Joni, "Buti po pinapanood niyo both sides okei po yan if sa tingin nyo may mali ako sorry po. Pero most of the time po yung pala decide po kayo basta na lng kumada yan po ang nag papa lala. Basta ako po ay hindi mukhang pera ako po ay na mumuhay ng sapat ako po ngayon ay kasaluluyang nag bebenta ng Eggdrop sa isang payak na lugar baka gusto nyo po pumasyal @koreanuptownorani. Mahal ko po ang aking pamangkin ginagalang ko po si Ogie. Para sa akin na binigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay itim dahil po sa mga napakakagaling kumuda kaya ang gulo na po."

Wala pang tugon, reaksyon, at pahayag ang kampo ni Liza tungkol dito.