Pinalagan ni Ogie Diaz ang tungkol sa lumulutang na detalyeng sinabi raw niya na dalawang taon na siyang walang komisyon sa dating alagang si Liza Soberano.

Isa ito sa mga nauntag ni King of Talk Boy Abunda sa eksklusibong panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" na umere noong Biyernes, Marso 10, at kahapon ng Lunes, Marso 13.

Pinasinungalingan ni Liza ang detalyeng iyon at sa katunayan daw, kahit hindi na involved si Ogie sa ilang endorsement niya ay nakatatanggap pa rin ito; sa katunayan, may paycheck pa raw na inaasahan si Ogie mula sa kanila.

Bagay na pinalagan naman ni Ogie dahil ang impormasyong ito ay mula raw sa Facebook post ni "Pambansang Lalaking Marites" Xian Gaza.

Xian Gaza kay Ogie Diaz: 'Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza...'

Hindi rin daw alam ni Ogie kung saan nakuha ang ganitong detalye.

"Oo nga. Saan ba galing kasi yung di na ako nakakakomisyon? Anyway, mamaya po ang aking panig sa Ogie Diaz Showbiz Update," ani Ogie.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1635509195947769856

Kalakip ng kaniyang tweet ang isang ulat tungkol dito.

Sa isa pang tweet, "Komisyon for the last 2 years? Meron. Yung mga bagong projects and endorsements offers ang tinatanggihan ni Liza. Kaya nga gusto ko tanggapin na niya yung It’s ok to not be okay para active uli ang lizquen kahit wala na akong makuha. Saan galing ang komisyon issue?🥺"

https://twitter.com/ogiediaz/status/1635531183932186624

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Xian tungkol sa isyung ito.