Matapos lumabas ang part 2 ng panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Liza Soberano, tila marami ngayon ang nangungumusta sa dating talent manager nitong si Ogie Diaz.

Umikot kasi kay Ogie ang ikalawang bahagi ng pasabog na panayam, kung saan idinetalye ni Liza ang tungkol sa kanilang commission at pagtatampo niya rito.

Liza, may rebelasyon tungkol sa isyung 'commission' na nakukuha ni Ogie Diaz

Hindi raw niya maintindihan kung bakit "sinisiraan" siya nito gayong maayos naman silang nagkapaalaman sa isa't isa, noong hindi na siya nag-renew ng kontrata sa pangangalaga nito at sa Star Magic.

Marami ngayon ang nag-aabang na sa magiging reaksyon ni Ogie tungkol dito.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Ogie na maayos naman siya at nagawa pang magbiro tungkol sa ilang mga nangumusta sa kaniya.

Thank you sa pangungumusta ng mga kaibigan, lalo na yung mga nakakakilala sa akin nang malaliman."

"Okay lang po ako. Appreciate it so much!!"

"Habang yung iba, nangungumusta, pero nangungutang ang mga potah! Hahaha!" aniya.

Sa Twitter accounts naman, binabara niya ang bashers na nagsasabi ng masasakit laban sa kaniya.

"Di ba sabi ko wag mo na syang tawaging anak . Galing mo inunahan mo ung interview ni tito boy. Para masabing mabait ka.

Matapos mong sirain . Alam na namin style mo bulok," anang basher.

Tirada ni Ogie, "Ano po itatawag ko? Tita? Lola? 😂"

https://twitter.com/ogiediaz/status/1635240852380598272

Sey pa ng isa, "Naku ngaun ka nagsasalita ng ganyan matapos mong sirain ung tao. Tumigil kana. Mark my word pag tumulo ang luha ng isang tao na walang ginawa sa iyo. May kapslit yan sa itaas. God bless you liza. You will be blessed."

"Saan nyo po gustong tumulo luha ko? Kanan o kaliwa?"

https://twitter.com/ogiediaz/status/1635241563126398976

Abangan na lang ang pagsagot niya sa kaniyang vlog! Kaloka!

https://balita.net.ph/2023/03/14/ogie-nagbigay-ng-reaksyon-sa-part-1-interview-ni-liza-sa-fast-talk/?fbclid=IwAR1-d2EcOl8ZDZKvuOSdnkCuF3Qs2OFbbdfKdMfgtq01mmklQNNH-NP93zI