Binasag na ni hunk actor Marco Gumabao ang kaniyang katahimikan tungkol sa pag-iintriga ng mga netizen na may namamagitan na sa kanila ng aktres na si Cristine Reyes, na co-actor niya sa pelikulang "Martyr or Murderer."

Iyan din ang tanong ni Ogie Diaz sa dalawa, matapos itong matalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update.

Namataan ang dalawang magkasama sa isang beach sa Siargao. Baka naman daw gimik lang ito para pag-usapan pa ang MoM?

Personal daw na natanong ni Ogie si Marco kung nanliligaw na ba siya kay Cristine o baka naman sila na?

Cristine Reyes, Marco Gumabao, iniintriga matapos maispatang magkasama sa Siargao

"Itanong mo sa kaniya," simpleng pa-showbiz na sagot ni Marco na ang tinutukoy ay si Cristine.

Reaksiyon naman ng co-host na si Mama Loi, kung totoo man ang tsika, walang masama dahil parehong single ang dalawa.

“Basta maniwala na lang tayo kung ano sinabi nila. At the end of the day, eh, sila naman 'yon. Kung nagsasabi sila ng totoo, eh di bongga sila, palakpakan nila ang kanilang sarili. Kung hindi naman ay intindihin na lang natin. Baka naman meron silang pinoprotektahan,” ani Ogie.

Sa idinaos na media conference ng pelikulang "Baby Boy, Baby Girl" na pinagbibidahan nina Marco at Kylie Verzosa sa ilalim ng Viva Films, nauntag si Marco tungkol dito.

Aniya, matagal na silang nagkakatrabaho at magkaibigan ni Cristine simula pa noong nagsama sila sa isang serye sa ABS-CBN.

Dahil nga nagkasama sila sa MoM, mas naging close sila at napapadalas daw ang paglabas-labas. Naispatan nga silang nasa Siargao at namimili-mili ng mga kailangan para sa pet dog.

Sa tingin ni Marco ay nagko-complement naman sila ni Cristine pagdating sa ugali at mga bet sa buhay.

Sa ngayon daw ay wala pang "label" kung may romantic relationship mang namamagitan sa kanilang dalawa, subalit sey ni Marco, kung bet naman ni Cristine na i-level up ito, nasa sa kaniya iyon.

Ang next na dapat abangan, kumpirmasyon naman ni Cristine na wala pa sey tungkol dito. Well, sabi nga ng mga netizen, wala namang masama dahil pareho silang single.