Nakapasa sa ikalawang pagbasa ng Kamara nitong Martes, Marso 14, ang House Bill No.4605 na naglalayong pahintulutan ang mga babae na gamitin pa rin ang apelyido ng kanilang pagkadalaga kahit na sila'y kasal na.

Inanunsyo ito ni Deputy Speaker at Antipolo City 1st district Rep. Roberto Puno matapos ang simpleng 'voice vote' (ayes vs. nayes) sa plenaryo, kung saan ang ayes o pag-apruba sa panukala ang siyang nanalo.

Bukod sa pagpapanatili sa pangalan ng pagkadalaga, nakasaad din sa panukalang batas na pinahihintulutan ang mga kasal nang babae na magkaroon ng 'options' sa apelyidong gagamitin nila pagkatapos ng kasal.

Layon umano ng House Bill No.4605 na bigyan ng pagkakapantay-pantay ang kababaihan at kalalakihan sa batas.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Isasagawa naman umano ang pangatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo, o bago maganap ang taunang summer recess ng Kongreso.

Sa ilalim ng RA No.386, maaaring gamitin ng kasal nang babae ang kaniyang buong langala noong siya'y dalaga saka apelyido ng kaniyang asawa; kaniyang first name noong dalaga at apelyido ng kaniyang asawa; o ang buong pangalan ng kaniyang asawa ngunit ilalagay sa unahan ang "Mrs." na nangangahulugang siya'y isang maybahay.