Sa kasagsagan ng community quarantines dulot ng pandemya, talagang nag-boom ang online shopping at pagpapa-deliver. Marami rin sa ating mga kababayan ang sinamantala ang pagkakataon upang makapaghanapbuhay o gawing sideline ito, lalo na't may sasakyan naman.

Muling nanariwa sa mga netizen ang balita tungkol sa isang babaeng online shopper na kinilig sa guwapo at makisig na delivery rider na naghatid sa kaniyang ipina-deliver na hair dye.

Kitang-kita sa mga litrato ng naturang babae, na mula sa itaas ng kaniyang bahay ay nagawa niyang kuhanan ng litrato ang delivery rider, na kahit nakasuot ng face mask ay kitang-kita naman sa suot nitong puting shirt at maong pants ang taglay na kakisigan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Larawan mula sa Facebook page na The Daily Sentry

Hindi akalain ng uploader na matatagpuan na niya ang "inspirasyon sa buhay" dahil sa online shopping.

"LAZADA NAMAN… HAIR DYE LANG INORDER KO BA'T MAMAN INSPIRASYON PARA MABUHAY ANG BINIGAY N'YO. SEE YOU NEXT TIME KUYA… KAW NA LANG SANA PERSONAL DELIVERY MAN KO," viral sa social media post ng customer.

Larawan mula sa Facebook page na The Daily Sentry

Asam ng babaeng customer na sana raw ay single ang naturang rider ata ayaw na raw niyang pumatol sa may asawa. Hindi naman nabanggit o nakuha ang pagkakakilanlan sa naturang delivery rider na naging viral.

Ikaw, naranasan mo na rin bang "mabighani" sa delivery rider na naghatid ng order mo?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!