Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, Marso 13, inamin ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano na may tampo siya sa kaniyang dating manager na si Ogie Diaz.

Ito ay matapos tawagin siya ni Ogie na "ungrateful" kahit na alam naman niya na ginawa nito ang lahat sa kaniyang trabaho.

Aniya, "Ngayon, nagtataka po ako sa kaniya kasi even a few weeks ago before ko ni-release po yung vlog ko, actually noong blinackout ko 'yung social media ko nag-message pa po siya sa akin parang sabi niya, Nak, may tumulong na ba sa'yo to get your social media accounts back? Kasi akala niya na-hack ako."

"So we were okay. So, I don't understand why he is choosing to fight me, it feels like he's trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing about him."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nilinaw ng aktres na hindi totoo ang sinabi ni Ogie Diaz na hindi na siya kumuha ng komisyon sa mga proyekto nito kahit tapos na ang kaniyang kontrata.

"Because he's saying so many things that are untrue, like for the past two years, hindi po siya kumukuha ng commission, it makes me sound even more "ungrateful" to the people na hindi naman nakakaalam kung ano yung nangyayari sa loob. He's calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS-CBN na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them, I was supporting them," anang aktres.