'BABALA: BAWAL ANG MAGING MARUPOK!'

Bibida sa isang upcoming Viva film na "Kunwari Mahal Kita" sina Joseph Marco at Ryza Cenon.

Si Joseph Marco ay gumaganap bilang Greg Soriano, isang lalaking tumakas sa La Union matapos malaman na nais na ng kaniyang asawa na si Cindy Soriano (na ginagampanan ni Natalie Hart) na makipaghiwalay ito sa kaniya.

Siya ay naging martir sa relasyon, ngunit ito ay tila hindi na sapat upang iligtas ang pagsasama.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, si Ryza Cenon, gumaganap bilang Heidi “Hydes” Bolisay ay nagtatrabaho sa resort na tinutuluyan ni Greg.

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ng dalawa kaya naman sa takot na siya ay matanggal sa trabaho, pumayag si Hydes na maging tour guide ni Greg.

Nakita ni Cindy si Greg kasama si Hydes, ikinagulat nito nang ipakilala niya ni Greg si Hydes bilang kaniyang kasintahan.

Nagulat din si Hydes, ngunit nakiusap si Greg na makisama na lang sa pagpapanggap na ito.

Kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, Thou Reyes, Josh Colet, Eslove Briones, Charlize Paras at Jerico Zuñiga.

Sa direksyon ni Roderick Lindayag, mapapanupd ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa sa Marso 15.