Natatandaan mo pa ba ang viral kissing scene sa isang pelikula nina Kapuso actor Royce Cabrera at beteranang aktres na si Yayo Aguila?

Kuwento ni Royce kay "Just In" host Paolo Contis, talagang pinaghandaan niya ang eksenang iyon para naman hindi mapahiya kay Yayo.

Nang malaman daw niyang tinapa ang ulam sa set, hindi na siya kumain dahil baka nga naman malasahan pa ni Yayo na unang beses pa naman niyang nakatrabaho, at nakakalokang laplapan scene kaagad! Kakaloka!

Pagbubunyag ni Royce, noong una raw ay simpleng halik lang ang eksena nila. Pero muli raw silang sinabihan ng direktor ng Fuccbois na kailangang ulitin ito.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Nagmukha raw kasi silang mag-tita!

Bukod sa hindi kumain ng lunch dahil nga sa tinapa at kangkong, todo-toothbrush at mouthwash pa si Royce para naman fresh na fresh ang kaniyang bibig kapag "nakipaghigupan" na siya kay Yayo.

Puring-puri naman siya ng aktres matapos ang kanilang eksena.

Biro naman ni Kokoy De Santos at Paolo, baka naman si Royce talaga ang humirit ng reshoot para "maka-isa" kay Yayo?

Paglilinaw naman ni Royce, trabaho lang daw talaga at walang personalan!