Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez nitong Linggo, Marso 12, na dapat imbestigahan ang hindi pag-duty ng ibang bodyguards ni Negros Oriental Governor Roel Degamo nang araw na siya'y paslangin noong Marso 4.

Sa pahayag ni Romualdez, sinabi niya na tila alam ng mga armadong lalaking nang-ambush kay Degamo na wala itong sapat na proteksyon nang araw na iyon.

Binanggit din ng mambabatas na hindi nga nag-duty ang lima sa anim na Philippine National Police (PNP) escorts ng gobernador noong araw na maganap ang krimen.

“It appears that the perpetrators were aware of the fact that Gov. Degamo has practically no protection so they could easily accomplish their mission to assassinate him,” ani Romualdez.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Dagdag niya, bago pa man mangyari ang pagpaslang kay Degamo at walo pang nadamay, nakatanggap na raw ang gobernador ng pagbabanta sa kaniyang buhay. Kaya't nararapat daw na mas paigtingin pa ang proteksyon sa kaniya.

"That’s why it’s highly suspicious why these police escorts were missing on the day he was killed,” ani Romualdez.

“We want to find out why most of Gov. Degamo’s PNP security details went missing on that fateful day. We don’t want to blindly accuse anyone but the circumstances apparently point to collusion between some members of the PNP and the perpetrators of this dastardly crime,” dagdag niya.

Iimbestigahan na umano ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Sta. Rosa City lone district Rep. Dan Fernandez ang nasabing kaso.