Pinalagan ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang ibinabatong "resibo" sa kaniya ng isang basher, na pinilit niya aniyang mag-artista ang dating Kapamilya actress, batay sa kaniyang lumang Instagram post noong nagsisimula pa lamang ito.

"pinilit lang syang maging artista. galing mismo kay @ogiediaz," caption ng netizen kalakip ang screenshot ng IG post ni Ogie, na siyang pinagbatayan ng kaniyang komento.

Mababasa sa naturang IG post ni Ogie na ang inilakip niyang litrato nila ni Liza ay ang pinakagusto niyang litrato nila na kuha noong 2012.

"Napakasimpleng bata. Gusto niyang mag-modelo noon pero mas kinumbinsi namin siyang mag-artista," mababasa sa post ni Ogie.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pinuri pa niya ang alaga dahil "sunod daw ito nang sunod" sa mga utos niya dahil nais niyang magawa nito ang enhancement para sa mga baguhang artistang gaya niya.

"Nakakatuwa siyang bata kasi matiyaga siya, hindi nainip at marunong maghintay," saad pa.

Niretweet naman ni Ogie ang post at kinomentuhan. Aniya, magkaiba ang "kinumbinsi" sa "pinilit."

"Wag mong ipilit na 'pinilit.' Iba yung “pinilit” sa 'kinumbinsi.' Pero kung trip mong paniwalaan yung katangahan mo, atih, ok. Gusto ko, happy ka.😂," banat ng showbiz columnist.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1634740613005578241

Matatandaang sinabi ni Liza sa panayam ni Boy Abunda sa kaniyang "Fast Talk" na hindi niya talaga gustong mag-artista.