Isasapubliko na ng Land Transportation Office (LTO) ang kautusang nagtatakda sa singil ng mga driving school para satheoretical driving at practical driving courses.

Sa pulong balitaan nitong Sabado, tiniyak niLTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na bago matapos ang Marso ay ilalabas na nila ang desisyon para sa ipatutupad na standard driving school rates.

“[A] few days ago, nag-meeting kami ng committee na [binuo] natin at mayroon na silang na-prepare na reasonable standard rate fees that I plan to roll out dito sa mga driving school,” aniya.

Ang mga driving school ay naniningil ng mula₱600 hanggang₱1,500 para sa theoretical driving course.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mula₱3,000 hanggang₱6,000 naman ang singil para sa practical driving courses sa mga probinsya at₱10,000 naman sa Metro Manila.

Ang habang ng LTO ay tugon sa natanggap na reklamo ng mga aplikante na nagsasabing hindi na makatwiran ang sinisingil sa kanila ng mga driving school.