Nagdagdag pa ng isa pang ginto si Carlos "Caloy" Yulo sa kaniyang lumalagong paghakot ng medalya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan.

Nitong Marso 11, umiskor si Caloy ng 15.400 points para talunin sina Illia Kovtun ng Ukraine at Bernard Cameron-Lie ng France.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

https://twitter.com/gymnastics/status/1634487057643888646?s=20

Si Kovtun, na naglalayon para sa ikapitong magkakasunod na titulo ng World Cup, ay nakakuha ng silver matapos na umiskor ng 15.366 puntos, habang si Cameron-Lie ay may 14.600 puntos para sa bronze.

https://twitter.com/gymnastics/status/1634483694193852419?s=20

Muling lalahok si Caloy sa kaniyang vault final ngayong araw.

Sa serye ng laban ni Caloy, bukod sa gintong medalya na nakuha niya, nakasungkit din siya ng dalawang silver medal at dalawa ring bronze.