Matapos ang viral na pagpapayo ni Maine Mendoza sa isang kalahok kaugnay sa nabanggit nito sa anak na mag-aral nang mabuti dahil ang bata umano ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan ay ipinagtanggol ni Xian Gaza ang viral na nanay mula sa Eat Bulaga.

Ang kaniyang naging mensahe ay nag-udyok sa mga host ng Eat Bulaga na sina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo na mag-salita. Ayon kay Maine, hindi responsibilidad ng kanilang anak ang pagbibigay ng magandang buhay para sa kanilang pamilya.

'Retirement plan si junakis?' Maine, nasermunan nanay sa 'Bawal Judgmental'

“Ace, sana mag-aral ka nang mabuti dahil alam kong ikaw ‘yung makakaahon sa amin sa kahirapan. Ikaw ‘yung pursigido para gumanda ‘yung buhay natin. Tsaka bata ka pa, kahit bata ka pa may pangarap ka na talaga,” ani ng nanay.

“Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya ang responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni mister," pahayag ni Maine na umani ng papuri mula sa netizens.

"Tsaka bata ka pa Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay,” dagdag pa ni Maine.

“Tuparin mo ‘yung pangarap mo Incess, ha? Para sa mga anak mo rin ‘yan," ani Ryan.

Habang marami ang hindi sumang-ayon sa contestant, agad namang ipinagtanggol ni Xian Gaza ang nanay sa isang Facebook post na, “Stop bashing that viral Nanay from Eat Bulaga. Ganun siya pinalaki ng magulang niya. Lahat ng tao sa paligid niya ay gano’n din ang mindset. Nakakulong sila sa mundo ng kahirapan. Kinakatawan niya ang milyun-milyong magulang na Pilipino.Imulat natin sila.”

"Your are bashing her for something na hindi niya alam na mali. Unang-una sa lahat hindi siya isang public figure para banatan niyo. Napaka-sincere at nakapaka-emosyonal ng pagkakasabi niya kasi nga ang akala niya ito yung tana. Mababaw kayo masyado," dagdag pa ni Xian.