Matapos ang 25 taon na pagtaya sa lotto, sinuwerte ang isang sari-sari store owner mula sa Lavezares, Northern Samar nang matagumpay niyang mahulaan ang winning combination ng Super Lotto 6/49 na may ₱63.1M jackpot prize. 

Ang nabanggit na jackpot game ay binola noong Pebrero 19, 2023 na may winning combination na 47-46-35-25-15-04 at may jackpot prize na ₱63,152,025.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kinubra na ng 46-anyos na lalaki ang kaniyang premyo nitong Biyernes, Marso 10 sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City.

"The winner, who runs a small sari-sari store from home, had relied on and played PCSO lotto games for over 25 years before having a life-changing experience. According to him, these lucky numbers were a combination of the birthdates and ages of his family and relatives," saad ng PCSO.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

"He also stated that a portion of his winnings would be donated to the church and used for various investments, such as insurance, support for their children's education, and business expansion," dagdag pa nito.

Samantala, may mensahe naman ang lucky winner: "Sana'y patuloy po nating suportahan ang PCSO sa kanilang adhikain na makatulong sa bayan sa pamamagitan ng mga lotto games. Gaya ko po na nabigyan ng pagkakataon na manalo, naniniwala ako na may swerte ring darating sa inyo. Basta't patuloy lang kayong maniwala habang nakakatulong sa kapwa. Maraming salamat po PCSO."

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.