Patay ang magkapatid na menor de edad matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Mandaluyong City nitong Sabado.

Habang isinusulat ang balitang ito,p hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang batang nasawi na may edad lima at walong taong gulang.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP),p dakong 7:16 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng isang tatlong palapag na bahay sa Block 37 extension, Barangay Addition Hills na pag-aari umano ng isang Maria Kristina Arcelli.

Ayon sa BFP, hindi na nakalabas ng bahay ang mga dalawang bata habang nasusunog ang nasabing lugar.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fireout dakong alas-7:55 ng umaga.

Nasa 30 pamilya ang naapektuhan ng insidente na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad.