Halos langgamin ang mga netizen sa birthday message ni Kapamilya actor Gerald Anderson para sa kaniyang jowang si Julia Barretto na makikita sa kaniyang Instagram post kahapon ng Biyernes, Marso 10.

Kalakip ng IG post ni Gerald para sa 26th birthday ni Julia ang kanilang mga litrato, na nagpapakita ng kanilang sweet moments.

View this post on Instagram

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

Netizens, nilanggam sa kasweetan nina Gerald at Julia

Ayon kay Gerald, si Julia ang isa sa mga taong nagpu-push sa kaniya upang makamit ang kaniyang goals sa buhay, at sa palagay niya, mas importante ang mga ganitong tao sa buhay niya kaysa sa mismong goals na nais niyang makamit.

"The rare people in your life that root for you to achieve your goals,are more valuable than the goals themselves ❤️ Happy Birthday I❤️U," ani Gerald.

"I ❤️ you!" tugon naman dito ni Julia.

Kinilig naman ang mga tagahanga nila at sinabing deserve ng dalawa ng happiness na natatamasa nila ngayon.

"You deserve all the love and happiness in the world, happy birthday."

"They can say anything they want to say, but it’s their hearts that will tell."

"Happy Birthday! We love you!"

Sa kabilang banda, hindi pa rin mawawala ang bashers at detractors ng dalawa, na makikita sa comment section ng post. May mga netizen ang nagparatang kay Julia na baka siya lamang daw ang nag-post ng birthday message para sa sarili, sa Instagram account ng boyfriend, para lang daw masabing sweet sa kaniya ang jowa.

May mga nagsasabi ring hindi raw sila bagay, at inihahambing sila sa relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque. Si Bea ay ex-girlfriend ni Gerald bago maging sila ni Julia, at matatandaang si Julia pa ang nakatikim ng galit mula sa mga netizen at tinuturong dahilan ng "ghosting" ng aktor kay Bea, bagay na nilinaw at pinabulaanan na rin ni Gerald.

Anyway, isang netizen naman ang todo-tanggol kina Gerald at Julia at sinabing tantanan na ang dalawa.

"Mga bitter naman kadami nyo dito nagkalat oyyy . Before ng birthday naghusga kayo na hindi man lang ni greet ni Ge si Julia hindi gi flex blah blah blah tapos ngayon actual birthday na mismo meron sweet and magandang greetings kay Julia Hindi nyo naman matanggap at nag akusa kayo na si Julia ang nag post ng message na parang di capable ni Ge mag composed ng sweet message sa love niya at parang di deserved ni Julia na e flex sa birthday niya, Ang baba talaga ng tingin nyo sa kanila noh .. God bless nalang talaga sa inyo ..Move on na kayo oyyyy ..Ngayon masasabi ko deserved pala talagang hiwalayan at iiwan ang idolo nyo kasi mana kayo sa kanya ang bibitter nyo … Yun lang Bowwww 😍❤️❤️," ayon sa netizen.

Screengrab mula sa IG ni Gerald Anderson

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Julia at Gerald tungkol sa akusasyon ng ilang mga netizen. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.