Walang pinipiling edad ang edukasyon. Ito ang pinatunayan ng isang 70-anyos na graduating at aspiring teacher sa Navotas City.

Sa isang Facebook post ni Navotas Mayor John Rey Tiangco nitong Sabado, Marso 1, tampok ang nasa 94 graduating Education majors ng Navotas Polytechnic College (NPC) para sa kanilang pinning at send-off ceremony.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kahanga-hanga naman ang dedikasyon ni Adelaida F. Alfabete, 70, na kabilang sa mga pinangalanang bagong pre-service teachers na itatalaga sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod.

Present naman ang alkalde sa espesyal na seremonya kalakip ang paalala sa mga mag-aaral.

"Payo natin na patuloy nilang pagyamanin ang kanilang kaalaman para mas mapataas din ang kalidad ng serbisyong maibibigay nila sa ating kabataan," aniya.

Basahin: Mayor Tiangco, ibinida ang ginagawang dagdag na gusali ng NPC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid