Maglalaan ng ₱50 milyon ang gobyerno bilang dagdag na ayuda para sa mga pinauwing overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng pagsasara ng Saudi Oger LTD., Mohammad Al Mojil Group of Companies ilang taon na ang nakararaan.

Pumirma nitong Sabado, Marso 11, sa isang memorandum of agreement (MOA) ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaugnay sa usapin.

Sa ilalim ng kasunduan, ang naturang pondo ay ilalaan ng DSWD sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Pangangasiwaan naman ng DMW at OWWA ang pamamahagi ng tig-₱10,000 sa bawat OFW na pinauwi sa bansa matapos mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga nasabing kumpanya noong 2015 at 2016.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kabilang sa pumirma sa kasunduan sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DMW Secretary Susan Ople at OWWA chief Arnell Ignacio.