Isang Cebuano ang pinalad na magwagi ng mahigit₱16.3 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 06-18-26-29-17-11 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyo na₱16,319,245.20.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades Robles, nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Mandaue City, Cebu.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kailangan rin umano nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID.

Paalala ni Robles, ang lahat ng lotto winnings ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).

Kung hindi naman aniya makubra ang jackpot prize sa loob ng isang taon ay otomatiko itong mapo-forfeit at mapupunta sa kawang-gawa.

Samantala, muli rin namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.