Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Marso 10, ang kaniyang pagnanais na bumuo ng voter education sa K-12 curriculum hanggang sa kolehiyo, upang mahikayat din umano ang mga kabataan na pag-isipang mabuti ang kanilang mga desisyon kapag pipili sila ng mga lider ng bansa at kanilang komunidad.

Sa kaniyang speech sa ginanap na 2023 National Election Summit sa Pasay City kanina, binigyang-diin din ng pangulo na ngayong gumagamit na ang bansa ng modernong teknolohiya, kinakailangan umanong magkaroon ng mga reporma hinggil sa proseso ng eleksyon.

Ayon kay Macos, ang nasabing reporma ay mahalaga upang maging mas mabilis at masigurong tama ang lalabas na resuta sa bawat halalang mangyayari sa bansa.

“In ensuring excellent results, we must continue to discuss the nitty-gritty of our processes, including recalibrating the capacity of our teachers as electoral board members and integrating voter education in the curricula of K to 12, tertiary level, and the National Service Training Program,” ani Marcos.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“So as we engage in discussions amongst our students and the Filipino youth, we likewise promote and encourage them to form and cast an informed vote, as well as discerningly choose the leaders of our society,” dagdag niya.

Ang nasabing National Election Summit ay nagsilbing plataporma para sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang kinauukulan upang makabuo ng mga stratehiya at polisiyang may layunin umanong pagtibayin ang tiwala ng sambayanan sa election system ng bansa.