'I’M THE BEST TITA IN THE WORLD! PERIODT!!!'

Ulirang tita/pangalawang magulang ang ganap ng social media personality na si Mimiyuuuh na personal na nag-design at nagtahi ng damit ng kaniyang pamangkin para sa binyag nito.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng vlogger at influencer ang mga larawan ng binyag ni Baby Brielle, kung saan makikita ang batang babae na nakasuot ng puting damit na may pink ribbon.

"Sa sobrang bida-bida ko, nagtahi po ako ng pang binyag ni Baby Brielle!" ani Mimi.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Kinilig din si Mimi nang muli niyang maranasang gumamit ng sewing machine.

Aniya, "Nakakamiss rin po pala ang magpaandar ng sewing machine. Huhu! We love you baby Brielle! We will do our best to give you the best life!"

Hindi na rin bago kay Mimi ang pagtatahi dahil nakakuha ito ng bachelor's degree sa Fashion Design and Merchandising sa De La Salle–College of Saint Benilde.