Tahasang inamin ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano na nasaktan siya sa komento ni King of Talk Boy Abunda matapos niyang ilabas ang kaniyang vlog kamakailan.

Matatandaang direktang sinabi ng TV host na isa ring talent manager, na nadismaya siya sa ginawang vlog ni Liza, na nagpapaliwanag sa naging dahilan kung bakit siya umalis sa poder ng kaniyang dating talent manager na si Ogie Diaz, sa Star Magic, at ABS-CBN.

“I’m not disgusted… I’m extremely disappointed with the vlog,” aniTito Boy.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG:https://balita.net.ph/2023/02/28/boy-abunda-sobrang-dismayado-kay-liza-soberano-do-not-disregard-your-past/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Marso 10, tahasang sinagot ni Liza ang mga isyung kinakaharap niya ngayon.

Kabilang dito ang pag-amin niya na nasaktan siya sa sinabi ni Tito Boy.

"Na-hurt ako kasi feeling ko of all people ikaw yung makakaintindi. 'Cause I see you as one of the wisest in the industry and sa dami ngnapagdaananmo with different personalities parang you always saw things for what they were," saad ni Liza.

"And parang ang paniniwala ko your judgment isn't clouded by the noise of the media, by what the fans say, so I felt misunderstood by you," dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi naman ng aktres na naiintindihan niya ang nais sabihin ni Tito Boy.

"But then, noong nag-usap naman kayo ni James and he talked to me after at na-explain niya yung thought process mo about everything and I understood your point, it really did make sense to me."

Nagpaliwanag naman ang TV host na ang kaniyang komento ay batay lamang sa kaniyang karanasan bilang talent manager.

Bago maganap ang interview kay Liza Soberano noong Marso 7, sinabi ni Boy Abunda na nagpaalam muna siya sa ABS-CBN Executive na si Cory Vidanes; dating manager ng aktres na si Ogie Diaz; at bagong manager nitong si James Reid.