Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, ibinahagi ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano na tinawag siyang "Little Producer" ng mga staff matapos magtanong tungkol sa script ng kaniyang karakter.

Sa eksklusibong interbyu ni Tito Boy kay Liza, dito na ikinuwento ng aktres ang mga kaganapan sa taping ng hindi niya pinangalanang pelikula. Ayon kay Liza, noong lumawak na ang kaniyang kaalaman tungkol sa acting, sinubukan niya umanong magbigay ng creative inputs o 'di kaya'y suhestiyon tungkol sa script ng kaniyang karakter.

Aniya, “When I started like really understanding how acting works, started understanding character development and everything, meron pong mga times that I would talk to the director, I would talk to the PAs, I would talk to the writers and be like, sa tingin ko po hindi sasabihin ng character ko ‘to, hindi gagawin ng character ko ito."

Sey ngaktres, maayos naman daw ang pakikipag-usap niya sa creative team, pero dito na rin niya nalamang binansagan na pala siyang "little producer" ng mga staff.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sometimes they would negotiate like they would say, 'Ah no, kailangan talaga ito mangyari para sa ganitong trajectory ng character mo' pero I didn't know that behind my back, actually, a really close director friend of mine told me na they would talk about me behind my back during pre-prod meetings and call me little producer.”

"So, ever since, after that, I felt like I didn’t have the right to bring this up, kasi nao-offend ko ‘yung mga tao sa paligid ko, which was not my intention. But I thought as an actor that that was my job also to do, to question, you know, to help improve the story, to be collaborative," dagdag pa niya.

Kinausap umano niya ang kaniyang dating manager na si Ogie Diaz tungkol sa mga nalaman niya, pero mas pinili ni Liza na hindi na umano palakihin ang isyu dahil ayaw niyang madamay ang kaniyang kaibigang direktor na nagsumbong sa kaniya.

Aniya, "Nagsabi po ako kay Tito Ogie but then dahil hindi ko po masabi kung sino ang nagbibigay ng information sakin na yun, we can't really do anything about it."

“Naisip ko baka ganon lang talaga ang showbiz. I didn’t know anything else beyond that so maybe, iniisip ko pa nga maybe ako ‘yung rude for questioning the creatives’ decisions. I just wanted to feel heard or listened to,” dagdag pa ng aktres.

Inamin din ng aktres na takot siyang makaapak ng tao at hindi rin niya gustong gumawa ng anumang kaguluhan sa showbiz industry.

“Takot po akong makaapak ng tao. I don’t like disappointing people. I don’t like creating enemies and… I’m a people pleaser, so hindi ko kaya ‘pag people have bad feelings towards me.”

Samantala, tahasang din inamin ni Liza na nasaktan siya sa komento ni Tito Boy matapos niyang ilabas ang kaniyang vlog kamakailan.

“Na-hurt ako kasi feeling ko of all people ikaw yung makakaintindi. ‘Cause I see you as one of the wisest in the industry and sa dami ngnapagdaananmo with different personalities parang you always saw things for what they were,” saad ni Liza.

“And parang ang paniniwala ko your judgment isn’t clouded by the noise of the media, by what the fans say, so I felt misunderstood by you,” dagdag pa niya.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG: https://balita.net.ph/2023/03/10/liza-soberano-tahasang-inaming-nasaktan-siya-sa-komento-ni-boy-abunda-i-felt-misunderstood-by-you/