Napansin ng netizens na hindi natawa ang aktres na si Maja Salvador nang humirit si Joey de Leon tungkol sa prangkisa.

Mapapanood sa Bawal Judgmental segment ng noontime show na Eat Bulaga, natalakay ng isang contestant beauty queen na si Michelle ang historical franchise ng Miss International Queen.

Matapos ay pabirong humirit si Joey ng, “Buti pa kayo may prangkisa,” na naging dahilan ng pagtawa ng mga tao at ng mga host na nagsasabing maaaring ang tinutukoy ni Joey ay ang bigong franchise renewal ng kalabang station na ABS-CBN Corporation.

Na agad namang napansin ng ilang netizens na hindi natawa sa biro ni Joey ang dating Kapamilya aktres na si Maja. Sabi-sabi pa ng netizens na 'naimbyerna' umano ito dahil sa hindi nakakatawang biro ng host.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang kasunod ng pagsasara ng Kapamilya Network ay maraming empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho. Kung kaya't ang ilang talents ay nagpapasya na lumipat sa ibang mga network kagaya ni Maja na isa rin sa mga dating host ng noontime variety show na "It's Showtime."