Maging ang ama ng aktres na si Kim Molina ay hindi na naitago ang kaba nang magpost ang anak ng "#NEWBLESSING."

Matatandaan kasi na nitong Pebrero ay nag-upload ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ng kanilang larawan kalakip ang caption na “#NEWBLESSING is coming! Abang abang sa aming mga post! 😍 Lablab, KimJe 🫶 #NewChapter #NewTeam.”

BASAHIN: Kim Molina, preggy na ba?

Hindi naman nakalusot ang post anunsyo na ito ni Kim sa kaniyang ama.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ani Kim, kinailangan pa nitong tawagan ang kaniyang tatay upang linawin ang nasabing anunsyo.

"Ang nangyari po kasi n’yan, nagpost kami nu’ng hashtag new blessing. When I posted it, I needed to call my dad agad. Tapos, sakto nu’ng tumawag ako sa daddy ko, palabas na siya para maghanap ng signal. ‘Anak, ano ‘yung post mong ganyan? Parang malalaman pa ng buong mundo bago ako ah.’ Hahaha! Ganyan,” kwelang pagbabahagi ni Kim.

Paglilinaw naman ng aktres na ang #newblessing na tinutukoy nito ay ang comedy series nila mula sa Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5.