Aabot sa 138 senior citizens ang masayang nagtipon-tipon at nagpamalas ng kanilang pagkamalikhain sa isinagawang art workshop sa Baguio City.

Sa Facebook post ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ginanap umano ang nasabing artworksop na pinangalanang “Sapoen Alapo” sa Baguio City Hall Amphitheater noong Pebrero 23 bilang selebrasyon ng Art Month.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, mahalagang magkaroon ng mga aktibidad para sa mga senior citizen na makapagbibigay sa kanila ng kasiyahan at makapagpapabuti sa kanilang mental health.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

May be art of 5 people and outdoors
(Larawan mula sa City Social Welfare and Development Office/FB)

Bukod naman sa enjoyment ng mismong proseso ng paglikha ng sining, natuwa rin umano ang mga senior citizen sa kanilang mga nalikhang obra sa nangyaring paggawad ng sertipiko ng kanilang pakikilahok.

“Congratulations to all the budding artists, our dearest senior citizens of Baguio,” pahayag ng CSWDO.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!