Inanunsyo ng Malacañang nitong Miyerkules, Marso 8, na magkakaloob si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng educational scholarships sa mga anak ng walong nasawing sibilyan na nadamay sa pag-ambush kay Negros Oriental Gov. Roel Dagamo sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.

Sa kaniyang pahayag, ibinahagi rin ni Communications Secretary Cheloy Garafil na magkakaloob din ang pangulo ng medical assistance sa mga nasugatan dahil sa nangyaring pamamaril sa gobernador.

Bukod sa gobernador at walong sibiliyang napaslang, tinatawang 13 umano ang nasugatan sa nangyaring ambush.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The chief executive is committed to give educational scholarships to the children of those killed and shoulder the medical fees of those wounded,” ani Garafil.

Nitong Miyerkules lamang din ay bumisita si Marcos sa burol ni Gov. Degamo sa Dumaguete City.

BASAHIN: Marcos, bumisita sa lamay ni Degamo sa Dumaguete City

Pinangako rin ng pangulo na makukuha ng pamilya ni Degamo at ng mga naging biktima ang hustisya sa nasabing krimen.

Sa ngayon ay apat na suspek na ang naaresto at nakasuhan ng mga awtoridad, bukod pa sa isang suspek na nasawi sa enkwentro ng mga pulis at militar.

BASAHIN: Apat na arestadong suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, kinasuhan na