Pambihirang kapa ang isinuot sa baby girl ni Faith Co, 23, mula sa Guimaras, sa first birthday nito. Ang mahabang ipinagdugtong-dugtong na 1-thousand bills ay aabot umano sa kabuuang halaga na isang milyong piso.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Co na ipinagbubuntis pa lamang niya ang kaniyang first baby na si Adeena Mazikeen ay pinlano na nilang mag-asawa ang espesyal na selebrasyon ng unang birthday ng kanilang anak.

"So ever since then, nag-strive hard kami to save the amount na binigay namin sa kaniya," aniya.

Sa pamamagitan daw ng kanilang poultry farm at fuel retailing business, unti-unti silang nakaipon ng target na halaga para panregalo sa first birthday ni baby.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

"It was not an easy task to save up for that amount of money, but we stayed focus on our goal to provide the best future for our daughter," saad ni Co.

"We are just proud to show everyone that with hard work, they can achieve their goals. And our main goal is to give the best future for our baby," dagdag niya.

Itatabi naman umano ng mag-asawa ang halaga ng pera para sa magandang future ng kanilang mahal na anak.

"We will do everything we can for our loved ones and the best gift you could ever give to your children is a better future," ani Co.

Naisipan naman daw ng mag-asawa ang money cape dahil sa tema ng birthday celebration nito na 'Disney princess'.

Ayon pa kay Co, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para mabigyang ng magandang kinabukasan ang kanilang mahal na anak.

"Other people may have their own opinions on this, and that’s fine, but for us, we are proud parents who want to show our love to our daughter by giving her a bright future ahead," saad ni Co.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!